#Hugot

“Kasi ‘yung ganyang kalaking pagmamahal, ganyang overwhelming love, imposibleng walang pupuntahan eh. May mababalik sayong pagmamahal. Not necessarily sa taong pinagbigyan mo, pero sigurado ako, mababalik ‘yan sa’yo.”

Ako lang yata hindi natuwa sa “That Thing Called Tadhana”. Dahil siguro wala akong #Hugot na mahugot sa puso kong masaya.

Maliban nalang siguro sa linyang iyan sa taas. Sinasabi niyang ayos lang magmahal ng sobra kasi siguradong babalik sayo ‘yun. Hindi man ngayon, hindi man sa taong pinagbigyan mo, pero dadating siya ng hindi mo inaasahan. Kasi nga naman kung anong ibibigay natin sa mundo, ‘yun din malamang ang babalik sa atin. Sabi nga sa science, nothing is created nor destroyed. Nagbabago lamang ng anyo.

Kaya hindi na rin ako nagsisisi sa pagmamahal na ibinigay ko sa mundo. Kahit nasaktan ako noon. Kahit naramdaman kong hindi ako tinuring gaya ng gusto ko. Hindi ako nagsisisi kasi ngayon pa lang, ramdam ko na yung sinasabing pagbabalik sakin ng pagmamahal na binigay ko sa mundo. Mahal ako ng mga magulang at kapatid ko. Mahal ako ng mga kaibigan at kaopisina kong naging kaibigan ko na rin. Kahit yung aso ko, mahal na mahal ako. May isang tao ring nagmamahal sa akin gaya ng pagmamahal ko sa kanya.

Kaya kung may #Hugot ako sa pelikulang ‘yon. Ito na siguro yun.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s