Yung Daga

Mayroon akong kaibigan
Sabi niya mayroong nakatirang daga
Sa kanyang puso’t kalooban
Di ko siya unang naintindihan

Yun daw yung nararamdaman
Sa tuwing may di pagkakaunawaan
Parang puso mo’y may daga
Na gustong biglang kumawala

Ngayon ko napatunayan
Na totoo ang kanyang sinabi
Sa tuwing puso ko’y nangangamba
Nariyan ang dagang di mapakali

Minsan kasi akong nagmahal
Ngunit bihag ang puso ko ng takot
Lagi akong binibisita ng daga
Sa bawat umaga’t hapon

Sa gabi siya’y mas magaslaw
Na parang gusto ko nalang matunaw
Sa bawat pagbigay ko ng aking sarili
Itong daga nawiwili

Okay ka talagang daga ka
Hindi mo ako pinapatulog
Payagan mo naman ang antok
Dumalaw sa pagod na puso.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s