Wala Na

Noong nakilala kita
Ang sabi mo ako ay mahalaga
Ako ay may angking yaman
Karapatdapat na ingatan

Noong tayo’y nagkasama
Ang sabi mo ako’y maganda
Ako ay isang bituin
Karapatdapat na mahalin

Pero ngayon nasaan ka na
Kasama ng iyong sinta
Pagkatapos mo akong paibigin
Ako pala iyong bibitinin

Noong ika’y aking nakausap
Ang sabi mo ako’y kilala mo na
Parang tayo’y tinadhana
Karapatdapat na magsama

Noong tayo’y nag-iisa
Ang sabi mo “mahal kita”
Parang puso natin ay lumaya
Mahal na rin pala kita

Pero ngayon nasaan ka na
Kasama ng iyong sinta
Pagkatapos kong maniwala
Mauuwi lang din pala sa wala

Noong huli tayong nagusap
Ang sabi ko’y wala na ba
Talaga akong pag-asa?
Mukha pala akong tanga

Noong ako’y mag-isa na
Ang sabi ko’y Diyos na ang bahala
Puso ko’y hindi na kaya
Mas mabuti pang wala ka

Pero ngayon nasaan ka na
Kasi sa puso ko’y wala na
Kahit sumama ka sa iyong sinta
Hindi na mahalaga.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s