Kung Pwede

Ang ganda mo ngayon
Bakit ka ba ganyan
Ang hirap mong tanggihan
Isang tingin lang
Kayang kaya mo nakong saktan

Kung pwede
Kung pwede lang kitang angkinin
Kung pwede lang kitang halikan
Kung pwede lang kitang mahalin

Bakit ang bilis naman
Wala pang isang buwan
Tila nahulog na ako
Mula pa nung una nating usapan

Kung pwede
Kung pwede lang ako nalang
Kung pwede lang huwag kang saktan
Kung pwede lang akong turuan

Pero alam ko naman
Na lahat ng bagay may hangganan
Ayaw man kitang tigilan
Wala nang ibang paraan

Kung pwede lang.

******

Alam ko namang hindi pwede
Pasensya ka na
Hindi ko napigilan
Minahal kita
Kahit mayroon kang iba

Alam ko namang hindi pwede
Noong umpisa pa lang
Hindi lang kita matanggihan
Nakilala kasi kita
Natuwa ako sa aking nakita

Alam ko namang hindi pwede
Masyado pang maaga
Kailangan ko lang gumising
Sa totoo lang, ayoko nang isipin

Alam ko namang hindi pwede.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s