Kulitan Compilation

Di ko akalaing sa mundong ito,
Makakatagpo ng isang kakaibang nilalang na tulad mo.
Yung tipong parang salamin sa aking paningin,
Pagkatao’t isip ko’y iyong kayang basahin,
Mga banat at pag-iinarte ko, kayang kaya mong soplain.
-X

Si Yosi at si Dutchmill
Wag ka sanang magalit at iyo sanang marapatin,
Pagyoyosi mo atin nang patigilin,
Isang kahon ng Dutchmill kaya ko sayong ibigay,
Magawa mo lang na sa kanya ay humiwalay.
-X
—-

Aalis ka man ngayon sa aking piling
At hindi mo man ako piliin
Masaya nakong nakilala kita Kuya
Dahil pinakilala mo ako sa kakaibang saya
Di ko akalaing may ganyan pa
Bawat alaala kay ganda
-C
—-

Sa Quezon may fiesta
Bibila ka ng longganisa
Alam kong malungkot ka
Pero sana diyan ay magsaya
Kasama ang pamilya
Pagbalik mo andito lang ako
Nagaantay ng pasalubong mo
-C
—-

Ang Atay
Pagkatok ko sa bahay sa Mayaman,
Tahol nyang matinis agad nang napakinggan,
Galing sa mahal mong ilang oras na di kumain,
Di malaman kung anong pagkain ang naisin.

Sinubukan ang dogfood ayaw pa rin,
Nilagyan ng tuna nagiinarte rin,
Ayan na si Elena, nagdurog ng atay,
hinalo sa dogfood, at pagmamahal galing sa kanyang mga kamay,
Itong bulilit na ayaw kumain, muling ngumiti’t nagpasigla sa binibining habambuhay nyang iibigin.
-X

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 52 other followers

%d bloggers like this: